Sa bawat laban at tagumpay ng mga arnisador ng Mataas ng Paaralan ng Homapon, isang pangalan ang laging nababanggit at pinag-uusapan—si Ramcee Aringo, isa sa mga matiyagang tagapagsanay na nagdadala sa kanila sa karangalan at tagumpay.
Si Ramcee Aringo, isang 30-taong gulang at nakatira sa Crossing, Homapon, Lungsod Legazpi, ay hindi lamang isang tagapagsanay. Siya rin ay isang haligi sa ng arnis sa paaralan. Noong 2011, siya ay opisyal nang kinilala bilang tagapagsanay ng paaralan. Mula noon ay siya na ang sumasanay ng mga bagong miyembro ng kanilang koponan sa ilalim ng pamamalakad ni Rusty Ocampo, ang gurong tagapagpayo.Isang arnisador ng kanyang kabataan si Ramcee. Sa loob ng anim na taon mula 2008 hanggang 2014, si Ramcee Aringo ay nagwagi ng 26 na medalya mula sa iba't ibang kompetisyon, kabilang ang Palarong Bicol at Palarong Pambansa. Ipinagmamalaki rin siya matapos hirangin bilang "Athlete of the Year" sa kanilang paaralan.
Sa kasalukuyan, ang Mataas na Paaralan ng Homapon ay patuloy na nagtatagumpay sa larangan ng arnis, at ang pundasyon ng kanilang tagumpay ay ang disiplina at galing na itinuturo ni Ramcee Aringo. Patuloy niyang ibinabahagi ang kanyang kaalaman, karanasan, at pagmamahal sa sining ng arnis, upang ang bawat manlalaro ay maging handa at magtagumpay sa anumang hamon.
Para kay Rusty Ocampo, si Ramcee ay hindi lamang isang tagapagsanay sapagkat siya ay bahagi na ng kasaysayan ng paaralan. Isang huwarang arnisador ang makikita sa kanya. Dahil sa kanyang kahusayan, nakilala ang paaralan bilang pinakamahusay sa larangan ng isports na ito.
Si Ramcee Aringo ay hindi lamang isang tagapagsanay. Siya ay isang idolo, inspirasyon, at haligi ng paaralan sa larangan ng Arnis. Sa kanyang dedikasyon at galing, patuloy niyang pinatutunayan na ang arnis ay hindi lamang isang sining ng pagtatanggol, kundi isang daan tungo sa tagumpay at karangalan.
No comments:
Post a Comment