Kaalaman nga'y siksik sa pananaliksik, sa bigat naman nito'y bibitayin ka nang patiwarik.
Sa pagpapatupad ng K to 12 curriculum, maraming mga asignatura ang inalis,
dinagdag, at pinalitan. Ngunit tila 'di masyadong nasuri ang mga asignatura sapagkat kung susuriin, nagkaroon ng multiplisidad ng mga asignaturang pananaliksik na halos magpatumbalik sa mga mag-aaral sa senyor hayskul.
dinagdag, at pinalitan. Ngunit tila 'di masyadong nasuri ang mga asignatura sapagkat kung susuriin, nagkaroon ng multiplisidad ng mga asignaturang pananaliksik na halos magpatumbalik sa mga mag-aaral sa senyor hayskul.
Apat sa 26 na asignatura sa Senior High School ay pare-parehong ukol sa pananaliksik. Kabilang dito ang Practical Research 1, Practical Research 2, Inquiries, Investigation and Immersion at Capstone Research para sa STEM. Sa dami nito ay hindi na halos magkandaugaga ang mga mag-aaral sa dapat na unahin; ang matuto, magpahinga, o pilitin pang isuksok sa isipan ang bultu-bultong aralin na hirap din silang unawain.
Upang mahasa ang pag-iisip, kinakailangang magsaliksik. Ngunit sa pagkakataong ito, tila lumabis ang pagnanasa ng nakatatataas at pilit na tinatasa ang kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral makasabay lang sa pag-unlad ng mga karatig bansa. Maganda man ang layunin nito, marapat lamang na huwag ipagdikdikan sa mga mag-aaral ang sapilitang pagyapos sa multiplisidad ng mga akademikong gawain.
Tunay na marami ang magandang dulot ng asignaturang pananaliksik sa mga mag-aaral. Nagdadala ito ng mga makabagong ideya at humahasa rin sa pagkamalikhain ng mga mag-aaral. Magkagayon pa man, ang isa o dalawang asignatura sa pananaliksik ay sapat na. Ang kalabisan nito ay magdudulot lamang ng burnout sa mga mag-aaral.
No comments:
Post a Comment