Kung pagbabatayan ang DepEd Order No. 31 s. 2018, ang Comprehensive Sexuality Education Program ng DepEd ay naglalayong magbigay ng maayos at komprehensibong edukasyon tungkol sa mga aspekto ng seksuwalidad, kasama ang reproductive health, gender identity, consent, at iba pa. Sa pamamagitan ng programang ito, inaasahan na magkakaroon ng mas malawak na kamalayan at pag-unawa ang mga mag-aaral sa mga isyu ng seksuwalidad, pati na rin ang kahalagahan ng pagiging responsable at pagpapahalaga sa sarili.
Bilang isang mag-aaral, malinaw na dapat bigyan ng pansin ang mga realidad sa kasalukuyang lipunan. Ang mga kabataan, kabilang ako, ay hindi maiiwasang maharap sa mga sitwasyon at usapin na may kaugnayan sa seksuwalidad. Ang kawalan ng tamang edukasyon at gabay ay maaaring magdulot ng maling pag-intindi, at pagkakamali.
Sa aking pananaw, ang Comprehensive Sexuality Education ay isang mahalagang hakbang patungo sa pangkalahatang kaunlaran at kaligtasan ng kabataan. Hindi sapat na gawing limitado lamang sa tahanan ang edukasyon tungkol sa seksuwalidad, lalo na't hindi lahat ng mga magulang ay handa o may sapat na kaalaman upang magbigay ng tamang gabay.
Ang edukasyon sa seksuwalidad ay isang karapatan at hindi dapat itong ipagkait sa aming mga kabataan. Sa halip na matakot at magpahayag ng pagtutol, dapat nating tingnan ang CSE Program bilang isang pagkakataon upang palawakin ang ating kaalaman at pag-unawa upang maging mga responsable at maalam na mamamayan.
No comments:
Post a Comment