Wagi ang Homapon High School (HHS) Arnis Team sa City Meet 2024 nang tanghaling pangkalahatang kampeon nitong Pebrero 17, 2024 sa Albay Central School, Legazpi City.
Ipinamalas ng mga atletang Homaponian ang kanilang galing at husay sa likha performance at combative kung saan sila ay naghakot ng mga medalya para sa Mataas na Paaralan ng Homapon.
Nanguna sa kategoryang panlalaki at pambabaeng indibidwal at synchronized likha performance sina Jay-ar Antones, Niño Leron, Limuel Pereña, Kahsussi Abadillos, Nica Noveno, Princess Keziah Mendez, at Kim Irish Cabildo.Sa mga paligsahang combative, panalo rin ang mga arnisador ng HHS sa iba’t ibang kategorya.
Nagkamit ng gintong medalya si Kahsussi Abadilloss sa kategoryang Pinweight samantalang pilak naman ang naiuwi ni Mark John Espineda.
Bantay-sarado ang kat
egoryang Bantamweight nang ang bronseng medalya ay mapunta kay Jay Ar Antones.
Nanguna naman sa kategoryang Featherweight si Nino Leron matapos masungkit ang gintong medalya.
Sa kategoryang Extra Lightweight, pinuri sina Gea Bravo at Monica Avaluado dahil sa pag-uwi nila ng gintong medalya.
Para sa mga babaeng arnisador, si Princess Keziah Mendez ang tumanggap ng gintong medalya sa kategoryang Pinweight.
Sa kategoryang Bantamweight, si Joanna Mae Arana ay nagwagi ng pilak na medalya.
Sa kategoryang Featherweight, naghatid ng karangalan sina Nica Noveno at Irish Azul nang sila'y mag-uwi ng ginto at tansong medalya.
Sa kategoryang Extra Lightweight, pinuri sina Gea Bravo at Monica Avaluado dahil sa kanilang tagumpay sa pagkamit ng ginto at pilak na medalya.
Ang kategoryang Half Lightweight ay dinomina ni Kim Irish Cabildo na nagwagi ng gintong medalya.
Gabay sa kanilang pagkapanalo ang kanilang tagapagsanay na si Ramcee Aringo at kanilang mga tagapayo na sina Rafael Bongais at Christine Sural.
Lalaban sa Palarong Bikol sina Princess Keziah Mendez (Pinweight), Nica Noveno (Featherweight), Gea Bravo (Extra Lightweight), Kim Irish Cabildo (Half Lightweight), Kahsussi Abadillos (Pinweight), Jay-ar Antones (Bantamweight), Niño Leron (Featherweight), at Limuel Pereña (Extra Lightweight) bilang kinatawan ng lungsod.
| Jocel Maravilla
No comments:
Post a Comment