Apat na bagong CCTV camera ang naikabit sa mga istratehikong lugar sa kampus ng Mataas na Paaralan ng Homapon nitong Marso 5, 2024.
Kasama sa ipinasang Annual Implementation Plan (AIP) ng paaralan para sa kasalukuyang taong panuruan ang paglalaan ng badjet upang maisakatuparan ang pagpapakabit ng mga CCTV sa kampus.
Layunin ng proyektong ito na mapadali ang pag-monitor at mabigyan ng karagdagang proteksyon ang bawat nasa loob ng kampus mula sa mga hindi inaasahan at masasamang insidente.“Malaking tulong ang pagkakaroon ng mga CCTV sa paaralan lalo na sa pagpapanatili ng seguridad ng mga mag-aaral at kawani sa kampus, mas mabilis na pagtugon sa mga insidente, pag-iingat sa lahat ng asset o pagmamay-ari ng paaralan, at pag-momonitor sa mga gawain sa loob ng kampus,” pagpapaliwang ni Punongguro Elvira Tusi-Belen.
Tinukoy rin ni Eduardo Leron, watchman ng paaralan, ang mga naitalang kaso ng pagnanakaw na naganap ng nakaraang taon.
Sinang-ayunan naman ni Guidance Counselor Nancy Orgas ang layunin ng paaralan sa paglalagay ng mga CCTV.
Ayon kay Orgas, malaking tulong rin ang pagkakaroon ng CCTV upang maiwasan o hindi kaya naman ay makatulong sa pag-imbestiga sa mga kaso ng away o bullying sa kampus.
Dagdag pa ni Belen, ang mga CCTV sa paaralan ay maaaring magsilbing bahagi ng pangkalahatang estratehiya sa seguridad at pamamahala ng paaralan upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan at kaginhawaan ng lahat ng mga kasapi at stakeholder ng paaralan.
| Fatima Nuza
No comments:
Post a Comment