Kinilala sina Kent Daniel Argote at Riana Atuli, parehong mag-aaral sa ika-10 baitang, bilang pinakamahusay na boy scout at girl scout ng paaralan sa ginanap na school encampment nito lamang Enero 12-13, 2024.
Inabot ng halos limang taon bago muling ginanap ang school encampment dahil sa pandemya.
Nilahukan ang nasabing encampment ng 101 Homaponian na kasapi ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) at Girl Scouts of the Philippines (GSP) sa dalawang araw na school encampment.
“Matagal nang ninanais ng mga scout sa paaralan ang muling pagkakaroon ng school encampment kung kaya marami agad ang nagpakita ng interes na dumalo sa unang araw pa lamang na ianunsyo ang gawaing ito,” paglalahad ni Adrian Nocellado, senior scout at Pangulo ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG).
Pinamunuan nina Noel Perez at Jen Rentoy, kapwa guro, ang school encampment kasama ang mga opisyales ng SSLG.
Ayon kay Perez, sinubok ang diskarte, tiyaga, determinasyon, at pagkakaisa ng bawat pangkat ng mga scout sa dalawang araw ng encampment.
Ang mga gawain at performans ng bawat scout sa encampment ang pinagbatayan ng pagpili ng pinakamahusay na kasapi ng BSP at GSP.
“Magsilbi sanang inspirasyon sa lahat ng mga kapwako scout ang pagkilalang binigay sa akin at nawa’y isapuso at isakilos ang pagiging isang tunay na boy scout,” pahayag ni Argote.
| Charlene ReƱevo
No comments:
Post a Comment